Ate [older sister]
Naalala ko nung umalis na si Nanay papuntang America, naiwan tayo sa isang kaibigan at kapitbahay natin. Hanggang ngayon naalala ko ang manika na binili mo para sa akin, si Madamoiselle doll, babasagin sya at maganda, ang damit nya ay pink ang kulay. Tuwang tuwa ako, at sinabihan mo ako na alagaan ko siyang mabuti. Sinabi ko, “oo Ate, salamat”. Pero isang araw ang mga anak nung tinitirahan natin, kinuha nila sya sa kwarto natin. Nung nakita ko nasa hagdaan…