Ate [older sister]

Ate [older sister]

Naalala ko nung umalis na si Nanay papuntang America, naiwan tayo sa isang kaibigan at kapitbahay natin.  Hanggang ngayon naalala ko ang manika na binili mo para sa akin, si Madamoiselle doll, babasagin sya at maganda, ang damit nya ay pink ang kulay.  Tuwang tuwa ako, at sinabihan mo ako na alagaan ko siyang mabuti.  Sinabi ko, “oo Ate, salamat”.

Pero isang araw ang mga anak nung tinitirahan natin, kinuha nila sya sa kwarto natin.  Nung nakita ko nasa hagdaan silang tatlo at tumatawa.  Tumakbo ako at hinihingi ko ang manika pero pinasa pasa nila sa isa’t isa.  Umiiyak ako pero wala silang pakialam, hanggang sa huling pasa nahulog ang manika at nabasag.  At dahil sa ako si Amboy, siempre inaway ko sila.

Umiiyak ako nung dumating ka, pero natakot ako kasi baka magalit ka.  Pero nung nalaman mo, kinausap mo ang nanay nila na parang walang narinig.  Sabi mo sa akin, bayaan mo na pag dating mo sa America maraming manika doon.

Pati ang iniwan ni nanay na mga laruan kong lutuan sinipa at binasag nila.  Pero nakisama pa rin tayo kasi saglit lang naman ang pagtira natin.   Salamat Ate.

Naalala ko lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *